Kanta Sa Batibot

Natatandaan nyo pa ba ang mga awitin sa Batibot? Ito ang ilan sa aking natatandaan…

Batibot Theme – Pagmulat ng mata langit nakatawa sa batibot…

Umihip Tulad ng Hangin – Umihip tulad ng hanging, umihip tulad ng hangin…

Ako ang Kapitbahay – Ako ang kapitbahay, kapitbahay nyo, laging handang tumulong sa inyo.

Alagang si Puti – Alagang alaga namin si puti, bakang mataba, bakang maputi…

Tinapang Bangus – Tinapang bangus, tinapang bangus, masarap at masusutansya…

Isda – Isda da da isda, isda da da isda, isda da da, isda, isda, isda, isda, isda, balat mo’y puro kaliskis…

Gulay – Gustong gusto ko ang gulayayayay…

Gulay 2 - Gusto ko’y mustasa (mustasa, mustasa), at tsaka kalabasa (kalabasa, kalabasa), pati na din letsugas…

L – Lapis, lalala lapis, lalalalalalalala, ohhhh, lampara, lalala lampara…

Alin ang Naiba – Alin, alin, alin ang naiba, isipin kung alin ang naiba…

Kandirit - Sabay sabay tayong, kumandi-kandirit, kumandi-kandirit, kumandi-kandirit…

At Kung Hindi Pwede – At kung hindi pwede minsan, subukan, at ang kasunod ay di pa rin, ulitin…

Ang pamagat na nilagay ko ay hindi ang orihinal na pamagat ng mga kanta. Naisip ko lang kasi para may pagkakakilanlan ang bawat kanta. Ang mga yan lang ang naaalala ko sa ngayon. Kayo, meron pa ba kayong naiisip? Paki-add na lang sa comment. Thanks!

Mag-iwan ng Puna

Bagay ba ang champorado at tuyo?

Minsan napapaisip ako kung bakit ginawang combination nating mga Pinoy ang dinuguan at puto, goto at tokwa’t baboy, champorado at tuyo, guy and pip.

Ano ba ang meron sa champorado at kailangan haluan ng tuyo? Di ba ang champorado ay matamis na merienda? Bumili ka ng cinnabon rolls at anchovies, maganda bang alternative yun kung walang champorado at tuyo? o kaya naman bili ka na lang ng beef stew at muffins jan sa mall kung walang dinuguan at puto. Siguro ang goto at tokwa’t baboy ok pa.

Medyo magulo pa din talaga ang panlasang Pinoy o magulo lang ako?

Mag-iwan ng Puna

Kapuso Natin

“Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo po lamang,” ang tag line ng GMA News.

Fan ako ng The Probe Team. Lagi kong inaabangan ang show na ito noon pa man nasa GMA 7 sila. Pero alam ba ng nakararami kung bakit sila umalis sa GMA? At bakit si Bernadette Sembrano ay lumipat sa ABS-CBN? Ang tag line na ginagamit ngayon ng Kapuso network ay masasabing isang kasinungalingan. Tinanggal si Bernadette sa GMA dahil may gusto syang iexpose sa The Probe Team. Ang istorya ay pinigilan ng GMA sa di maipaliwanag na dahilan (ayon sa GMA, ang findings nila ay hindi factual o walang basis). Ang Probe Team ay isang institusyon na hindi nagbabalita na ayon lang sa hakahaka. Sino ba ang taong pinrotektahan at kinilingan ng GMA? Igoogle ninyo.

Alam kong matagal na ang issue na ito pero sana lang maging aware ang tao kung anong istaston ang may tunay na Kinikilingan at Pinoproteksyunan.

Mag-iwan ng Puna

Taga Pampanga

Diretsahin nga natin ang kasabihang ito… ANG MGA TAGA PAMPANGA AY MASAMA ANG UGALI! Bakit? Paano? Sabi ng lahat? Base sa ano?

May nabasa akong libro ni Ambeth Ocampo (Isang Historian) na ayon daw sa history, kaya sinabing masama ang ugali ng mga taga Pampanga, ay sila, o mga Kapampangan, ang nagsumbong sa pinagtaguan ni Emilio Aguinaldo sa mga Hapon. Si Aguinaldo ay isang Caviteno at ang nagsumbong ay Kapampangan, samakutwid, Caviteno ang nagkakalat ng tsismis na masama ang ugali ng mga Kapampangan!

Pero kidding aside, totoo ba yun? At bakit nga? May experience ba kayo? Baka naman kagalit nyo lang talaga. Eh bakit paborito nyo ang Sisig?! Ang layo no?

Mga Puna (4)

Quiapo at si Mayor

Nasa Quiapo ako kaninang umaga at aba ginoong maria, totoo nga na si Mayor Lim ay walang pakinabang pagdating sa pagsasaayos ng Kamaynalian. Lumang luma na ang paligid at ang Quiapo Church, ang landmark ng Quiapo, ay napakadungis! Para na itong background ng mga namamalimos sa gilid na kailangan ganun kadumi para maging dramatic ang panglilimos.

Ang Kamaynilaan sa ngayon ay parang Ice Cream na natutunaw. Kasi 8 years ago mejo ok pa naman pero kung titingnan mo ngayon ang Manila, lalo na sa Quiapo part at Recto, ang pangit at sobrang dumi na talaga! Si Atienza din kasi noon nanunungkulan pa, ang mga pinagawang infrastraktura ay yun madaling baklasin at kailangan ng constant maintenance para nga naman taon taon ay may mapaayos sila at maibulsa tuwing may pinapipinturahan, pinapalitan, pinapademolish, pinapaayos, etc.

Mag-iwan ng Puna

Globe 3G or Smart 3G

Gumamit na ko ng parehong service at ayon sa Globe (5 pesos sa 15 minutes), mas mabilis yun sa kanila dahil supported din nila ang HSPDA kaya mas mabilis. Ang cellphone na ginagamit ko ay may HSDPA pero saksakan pa din ng bagal ng connection ng Globe. Kung itatanong nyo naman kung nasa tamang lugar ba ko kung saan supported ng network ang 3G, nakatira po ako sa siyudad at may 3G network icon po na nagaapear sa phone ko. Inisip ko na siguro nga dahil sa lugar na kinatatayuan ko kaya mabagal ang Globe. Sinubukan ko n alang sa Mall, pero hindi ako makakonekta! Globe naman!

Gumamit ba din ako noon ng Smart 3G (10 pesos sa 30 minutes) connection, at mas mabilis ang sa Smart kumpara sa Globe. Totoo! Nagda-download kasi ang ng mga pictures at music sa phone ko at mas mabilis natatapos ang sa Smart than sa Globe. Hindi ako maka-Smart ha? Sinubukan ko din lang yun sa Globe kasi mas malakas ang signal ng Globe dun sa lugar ng gf ko.

Mag-iwan ng Puna

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.